ginhawa
Saturday, September 29, 2007

kaya ko naman, Lord.
kaya ko pang magtiis sa hirap.
kaya ko pang labanan ang pait.
kaya ko pang tumayo sa bagyo ng buhay.
kaya ko pang ibigay lahat sa mga kapatid ko.
kaya ko pang tulungan ang nanay at tatay ko.
kaya ko pang magbigay sa kapwa ko.
kaya ko pang makinig sa mga kaibigan ko.
kaya ko pang bumangon sa pagkadapa.
kaya ko pang hilumin ang malalim na sugat ng puso.
kaya ko pa sigurong magmahal kahit ilang beses na nasaktan.
kaya ko pang gunapang kahit hirap na sa paglakad.
kaya ko pa, Lord...
pero sa kabila ng mga unos na ito, Panginoon ko,
samahan niyo ako sa bawat pagtahak ko ng pagsubok,
lantaran niyo ako ng ilaw sa mga araw na madilim,
bigyan niyo ako ng ginhawa sa mga araw na nawawalan ako ng pag-asa.
kaya ko pa, Lord...
basta, huwag niyo lang ako iiwan.
kaya ko pa, Lord....
dahil nandiyan ka sa buhay ko.

Labels: , ,


tinik
Sunday, September 23, 2007

mahapdi ang tinik sa aking dibdib

sa bawat pagdiin ng mga palad ko

sa pagbura sa bakas sa aking mga bisig

mga bahid ng sakit sa paglalakbay


sa madawag na daan, landas sa kabundukan

ng mapagbirong larangan ng pag-ibig.

habang lumalabo ang tinahak na landas

palayo nang palayo sa aking pag-usad


pilit tinatalikuran ang higanteng lumipas

nililinis mga tinik, mantsang di kumupas;

ngunit malalim ang anyong bumakas,

binabalikan ng diwa, binubura ng isip.


maliksi, aninong nakihalubilo, nakisabay ako

sa kanyang mga hakbang, pagsayaw sa mundo,

hanggang ako'y mawala sa sarili at ritmo,

ng hindi mawawaang balat


kayo ng anino,

malabo ang galaw ngunit binigyan ko ng wisyo

gawagawa kong larawan, ang minimithi ko.

nakakapagod ng maghintay, alam ko ang huling


unit anyong makiakbay, hanggang sa dulo..

hanggang luhaan, mabilis, dumalang, ang pagdaloy ng luha sa bisig,

tinig ko na paos,

bulong ay humina, di matawag ang sinisinta,

di masambit, kahit na nakatarak sa abang dibdib.


bakit di mo dininig tunay na pananalita ng puso?

bakit ngayong ayoko ng marinig ang tinig mo,

ika'y pilit na bumubalik?

sa tahimik ko ng mundong akala ko'i iniwan mo na?



ngunit bakit kabaligtaran,

parang walang pag-asa nating magkasama?

bakit pinalaki ang bubot na nating kasaysayan?

bakit ngayon lang kung kelan ako ay lumalarga nang mag-isa?


salawahan ka...

pinabayaan mo lang ang ating pag-ibig.

babalik ka, lilitaw ka, tapos lalayo ka ka rin pala?

pagmamahal pa ba ang turing mo doon?


mapagbiro pala talaga ang ating tadhana.
damdamin ko nga'y napariwara na sa iba.

mapaglaro kasi ang ating puso...
ang pagmamahal pa ba'y meron pa bang hihinatnan?


at ang ating puso...

hindi alam kung saan pupunta.

kung saan dadamay.
pero sa tutoo lang, ako'y pagod na, mahal ko.

ang puso kong ito'y takot na sa mga panata mo.

Labels: ,


ang liham
Sunday, September 09, 2007

sa mundong hitech na ito, bihira na ang liham na may selyo. siguro nga maria clara ako pero mas feel ko ang handwritten letters. ewan ko ba, feel ko lang mas may feel yung sinulat na liham ( kahit pa kinopya niya, basta sinulat niya at naglagay siya ng effort para sa sulat na iyon) na pinag-ukulan atensiyon ng manliligaw mo.

ang nakakaloka pa, hindi ko naman inexpect na makakatanggap ng liham sa kanya. darating na raw siya rito sa LA at ako raw ang una niyang pupuntahan. at kugn pagbibigayan ko daw siyang ligawan ako. at huwag mas maloloka ka rito, kaibigan siya ng dating kasintahan kong nanloko sa akin. eh kung sira ulo lang ako, gagamitin ko lang itong kaibigan niya para saktan siya.

pero hindi kaya ng kunsensiya ko. mabait pa rin pala ako. maraming beses ko na gustong maghiganti. subalit naniniwala ako sa karma. bahala na ang karma sa kanya. sa kin lang ay pinatawad ko na siya.

nakakakilig din no? para uli akong nasa high school nung una kong nakatanggap ng love letter. hindi na ako sanay masyado. sa pagkaconservative ko, naduwag akong magreply. alam ko namang darating siya eh.

"que sera, sera," ika nga. malay mo bigay siya ng Diyos sa akin. hehe. pero ayoko munang mag-expect. mas mabuting wala munang expectation. para enjoy lang lahat. lahat naman ng bagay sa mundo ginawa para mag-enjoy tayo di ba?

ikukukwento ko na lang sa inyo uli. eh. bahala si batman!

Labels: , ,


lakbay
Sunday, August 26, 2007

naalala ko ang ating nagdaang mga araw
ang mga mainit na gabi at masasayang umaga
sa bawat buhos ng tag-ulan at init ng tag-araw
lahat umiikot, nakaunkit na sa aking utak at puso.
mga malamyos mong haplos at ang mahigpit mong yakap
pakiwari ko nagliliyab sa matinding init
ang tamis ng halik na nangangako ng akala kong pag-ibig
parang totoo ngunit hamog lamang pala ito ng magdamag
sariwang sariwa pa, naalala ko ang lahat
ang mga marami mong pangako't pangarap
dapat ay magkasama nating binubuo at inaabot
ngayo'y nasaan tila nalimot na ng panahon
may hatid na malungkot na lumbay at mapait na sakit
minsan gusto ko na ring umiyak ngunit nagpipigil na ang luha
hindi dapat ako magpadala sa hapdi ng iyong mga ala-ala
dapat ko itong ariin bilang gintong leksyon ng aking buhay
dahil alam kong..kaya ko pa.
kaya ko pang maglakbay ng mahaba.
dito sa lakbay ng pag-ibig.

Labels: ,


ito ba ang dapat?


lumimot ay mabuti,
pilit sinasabi;
ngunit ang nagkukubli
sumisilip rin lagi.

Labels: , ,


BAHAGHARI
Thursday, August 16, 2007

bahagharing nawawala kapag sa dulo sang hakbang na
inasahang kulay na mahahawakan hindi na matagpuan
sa malayo'y pangakong di masukat sukat ang handog
kapagkapit naglahong tila wala roon
walang dinatnan
nangarap
pinagsakluban ng sumpang hindi siya ang lumikha
walang laban walang masabi
walang darating
abot ang tingala
sa langit na nakalimot
kahit walang sawa
walang awa
walang dumarating
tumayong naghintay ng ulan mula sa ulap na hindi naman maabot
isang saglit, isang oras, isang araw, isang taon,isang buhay,
di na makaalis
dahil masakit
maghintay sa patak
na ayaw bumitaw sa ulap
bahagharing hindi na makita
iniiyakan
kapag nagiisa
nagiisa
nagiisa na
ang dating dalawa
paalam ...
bahagharing di ko makita

Labels: ,


hindi na muna.....


hindi na muna siguro
ako iibig.
kasi,
sa tuwing iibig ako,
parang nalalanta ang mga orchids sa hardin,
parang umiitim ang bughawing langit ng tanghali,
at napupunit ang mga pahina ng paborito
kong libro.
darating na lang siguro,
ang bagyo na magpapalaya sa akin
sa rehas ng pagiisa.
siguro nga mayroong bukas,
na tutunog
muli ang musika ng pag-ibig,
at sasalubungin ko ang agos
ng liwanag
ng pagpapatawad.
pero sa ngayon, di na muna...

di na muna ako
ako iibig.

Labels: ,


sabi ng nanay mo....
Friday, July 27, 2007


sabi ng nanay mo



[by the way, kaya ako nagkakandahirap na nagtatagalog dito kasi i think, may nagbabasa ng mga istorya kong ito. hindi ko alam kung alam ninyo pero itong mga sinusulat ko rito ay dikta ng aking puso at damdamin. ito'y nabuo sa maraming beses kong gustong magsalita subali't sa pag-aakalang baka may masaktan ako, hindi ko nasabi sa mga partikular na mga taong minahal ko ang mga katha ko rito.

subalit ilang taon na ang nakakaraan, naibigay ko yata ang web blog na ito sa isang minahal ko sabuhay. ngayon ay bumabalik na naman siya at may puna akong baka binabasa niya iton. at kung sino man yung taong yun, baka maintindihan niya ito kapag nag-ingles ako. so para wala siyang maintindihan, itatagalog ko na lang. saka na ako mag-iingles.]

di mo alam ito. pero tumawag sa aking ang nanay mo kanina. hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. mas madali nga yatang ibaba na lang yuing telepono kesa kausapin ko siya. ipinagbilin ko sa kanya na huwag niyang ipag-alaman sa iyo na tinawagan niya ako.

sa tutoo lang, masayang masaya akong makausap nanay mo. pero mas masasayahan pa siguro ako kapag ikaw ang kausap ko. ikaw lang naman talaga ang nagpapasaya sa akin. pero ewan ko sa iyo. hindi talaga kita maintindihan. kapag wala ako sa harap mo, tawag ka ng tawag sa akin. palagi mong sinasabi na lugod mo akong gustong makasama.tapos ngayon namang, nandito na tayo, sala sa init, sala sa lamig ka na naman.

sabi ng nanay mo, tahimik naman daw ang mga araw mo. sabi pa nga niya, tinutulungan mo siya sa pag-aruga sa lola mong may sakit. madalas nga raw ay kasama mo ang tiyo mo at mga pinsan mo. tapos, nagsisimba ka pa raw. habang nagkukwento siya, iniisip kita.

sabi ng nanay mo, pinagsasabihan ka raw niya. na kung maari eh, magtino ka na sa buhay mo. na magiging masaya siya kung makita niyang lumagay ka na sa tahimik, kung may babae kang mapapangasawa na mag-aalaga sa iyo. pakiramdam ko nga, ako yung pinariringan niyang babae. ako lang naman yata ang babaeing nagpaaptino sa iyo e.

gusto kong sabihin sa nanay mo, pagsabihan ka niya. dahil ako, malapit na akong magsawa sa mga pinaggagawa mo sa akin. paiinlabin mo ako tapos nanlalamig ka sa akin. niyayakap mo ako ng mahigpit tapos hindi mo man lang ako matawagan. pahawak hawak ka pa sa mga kamay ko, tapos hindi mo rin pala hahawakan ang mga kamay ko ng madalas.

sabi ng nanay mo, kinukwentuhan mo raw siya at madalas niyo raw akong pag-usapan. bakit palagi mo siyang kinukwentuhan sa mga pangyayari sa buhay ko eh hindi mo naman ako kausap?

sabi ng nanay mo, minsan sinabi mo raw sa kanya na ako ang babaeng pakakasalan mo dahil katulad na katulad ko raw siya..

sabi mo raw sa kanya, mabait ako at mapag-alagang paris niya.

nasabi mo rin daw na baka operahan na naman ang paa ko..

buti pa siya, sinasabihan mo ng nararamdaman mo para sa akin. mahirap bang sabihin sa akin? kapag nandoon na ako sa harap mo, wala kang masabi subalit ang higpit naman ng yakap mo.

litong lito na ako. ayoko na kausapin na nanay mo. nagdurugo lang ang mga sugat lalo. sana naman ay kausapin mo ako. at sana, habang nakatitig sa aking mga mata ay masabi mo sa akin ang tunay na nararamdaman mo.

hihintayin pa ba kita? nahihirapan na rin ako.

Labels: ,


huwag ka ng iiyak....
Thursday, July 26, 2007

HUWAG KA NG IIYAK

nag-usap kami ni sini nung isang gabi halos madaling araw na yata kami natapos. kalungkot niyang kausap. naawa ako dahil minsan, ako rin minsan ganon kalungkot dahil kakaisip sa mga walang kwentang lalaking pinaglaruan lang puso namin.

hindi niya alam ito, pero habang umiiyak siya sa kabilang linya, nakiki-iyak din ako sa kanya. tahimik lang nga alng akong lumuluha. tapos wala rin akong luha. basta, nandon iyung pait.

nung lunes naman, lasing na lasing pinsan ko pagkatapos namin magvideoke dito sa bahay, alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin siya dalawin ng antok. hindi nga umiinom itong cousin kong ito eh. nagulat nga ako bakit siya naglalaklak sa alak. tapos, smirnoff pa na halos purokg alkohol.

patulog na kami, kinikwentuhan pa niya ako. bakit daw isang amo lang nung lalaki sa kanya, sinusungaban niya? kahit na nung nakaraan eh nasaktan na siya nito? tahimik lang akong nakikinig. nung medyo tumahimik siya, sinasabihan ko na siya na huwag niyang pahirapan sarili niya. kung ayaw sa kanya, eh di ayaw. basta, mahalin niya ng sarili niya.

ako rin nasosorpresa kung bakit ako ganito kamanhid. siguro, hindi naman ako manhid. sa tutoo lang, marami akong nararamdaman. pero pinili ko lang kung ano yung mga pakiramdam ko na papatulan ko. kung makakasakit lang sa akin, pinababayaan ko na lang.

nung sinasabi ni sini na nasasaktan siya nung nakita niya yung litrato ng ex niya, na parang naaalala niya lahat, nasasaktan ang damdamin ko para sa kanya. pero naalala ko yung sinabi nung barkada kong lalaki nuong nag-iiyak ako noon dahil sa ginawa ng isang lalakign lubusan kong minahal.

lasing na lasing ako noon. hindi ko nga maalala kung anu anong pinag-iinom ko. pero sabi ni rick sa akin non sa akin,
"alam mo, iyak ka ng iyak diyan. pinupuno mo yang isip mo ng alak para bukas makalimutan mo siya. pero ang tutoo niyan eh, nasa isip mo pa rin siya. nagpapakaloka ka diyan pero ito ha, sasabihin ko sa iyo ng tutoo. wala na siyang pakialam sa iyo. nagpapalasing ka diyan pero ang tutoo niyan, wala siyang ka-amoramor sa iyo. hindi ka niya iniisip ung okay ka lang o ano. hindi ka dapat nagkakaganito. mahalin mo ang sarili mo. kapag buo ka na, marami ang magmamahal sa iyo."


sinabi ko rin yan kay sini. masakit marinig kaya lang iyong mga salitang binigkas na iyo sa akin nung gabing yun ang gumising sa akin. kaya siguro nagmamatigas ako. kaya siguro para akong manhid. walang nararamdaman. kaya sa haba ng panahon, patuloy ko pa rin hinahanap ang taong magpapatibok uli ng puso ko. at sana...sana lang, sa panahon na iyon ay, siya na ang tama para sa puso kong ito matagal ng naghihintay mahalin.

Labels: , ,


buhay
Friday, July 20, 2007

pinatay ko na lahat ng telepono.

gala na naman ako ng gala.

sabi ng doktor, pumirmi ako sa bahay.

dapat ako'y nagpapahinga.

pero mas parang nagkakasakit ako sa bahay.

gusto ko nasa labas ako dahil mas presko.

mas nakakahinga ako ng maiigi.

subalit sampung araw na mahigit....

hindi na naman ako tamaan ng tulog.

sumasakit na ulo ko sa kakaisip.

gutom man ay di ako dalawin.

yun ngang pantalon ko lumuluwag na.

iniisip ko siya kahit ayaw ko na siyang isipin.

lintek na buhay ito, oo!

Labels: ,


gaya gaya
Tuesday, July 17, 2007
GAYA GAYA (IMITATORS)
[i posted this on friendster today. it was an entertaining day, i'd say that]

ang dami talagang manggagaya sa mundong ito! i swear kakaloka. (there's are great deal of copy cats in the world. it drives me insane!)

i could pinpoint and drop names. but i am not like that. i'm actually nice and respectful. so i'll just give a universal message.

i browsed through several set of "who viewed me list" and found people who copies "my stuff". i mean, name it, pictures, hand gestures, background, even copying and pasting my blogs. mind you, they even try to copy my "porma" (how i dressed, put make up on, hair etc...) and my "posing" (to the camera) and to their kapal muks face (their thicked faces) even posted my captions and quotes on their primary photos...okay?! kaloka!(insanes!) GRABE!

while imitation is the sincerest form of flattery( and i am flattered, thank you.),
i just think that ORIGINALITY and showcasing WHO and WHAT you are,
however you may be, will what people draw themselves in to you.

your endearing life,
your inspiring untold stories,
your beautiful self
are your extraordinary features.
YOU are a piece of artwork
waiting to me molded in any way possible.
take advantage of that.

show the world who you REALLY are
and they will accept you with open arms.
be a first rate version of yourself
instead of being a second rate version of someone else.

because frankly, the way i see it,
i would rather be disliked for WHO I AM
than be liked for someone i am NOT.

so i'll just end it with this...
"INSIST ON YOURSELF.
NEVER IMITATE."
Ralph Waldo Emerson

i hope it helps.
god bless.
vavoosh.

<3,
len

Labels: ,


KAYA MO YAN
Thursday, July 12, 2007

note to myself: YOU GO GIRL!

"Difficulties show human what they are.
In case of any difficulty,
remember that God has pitted you
against a rough antagonist,
that you may be a conqueror;
and this can not be without a toil."

Labels: ,


MY SILENT REVERIES
writing is my passion. i created silent reveries years ago to vent out things i could not tell the world. it was my private, modern tech approach to scribbling my thoughts and emotions in a journal. in here, i can feely be who i am. i could cry my woes, i can love freely, i can grieve over a broken heart, i can celebrate the joys in my heart, i can rejoice with my accomplishments, i can tell stories of remarkable friendships and unforgettable connections i made with extraordinary people SECRETLY AND SILENTLY without worrying people might judge me. i hid under the name PINAY FREESTYLE.

but eventually, some people gained access to my secret place. so i opened my doors to them in the purpose that i could inspire them: to be better versions of themselves and to share themselves to the world. slowly, i embraced my readers as a part of my life. i welcomed the strange idea that my untold life stories and unconcealed revelations could be of help to others, to love and accept themselves as they are. and i, i came out from the animosity. i eventually became just the regular LEN - the nickname my family & friends call me.

i developed stories of love, of letting go, of falling in love all over again. i made great friendships. but if there's one thing i was particularly proud of, it was my undenying love for the LORD. i wrote and made soul searching, heart wrenching entries i entitled, "SPIRITUAL REVERIES" which you will find many here. it was my productive way to heal myself from twinge and while i am at it, i could also mend others spirits along the way and bring them back up to par with their faith and relationships with God. it has not stop there. it's still a constant journey.

and so, for as long as i can, i vowed to tell my memorable reflections,i have unmasked the hidden me. and the seeking and searching of life's meaning and purpose is not over. LIFE is a long road of discovering. and i still yet to discover many wonders of this world and satisfy my unending curiosity. but be warned. you can either love me or hate me. but i don't care. this is me: sripped and bare as i can be.

so i invite you into my chaotic unperfect world. join me in my whirlwind new travels of diving into the unknowns. let me share my life with you all over again. come in, as i tell you my SILENT REVERIES.

love,
len


DISCOVER ME: who is the lady behind the blogs?



"I want to have a personal light, the glow of oneself that comes from sheer willpower, the light of someone who has made important sacrifices in the name of things I think are important."

---Paulo Coelho's "Eleven Minutes"

my name is len. people always tend to judge me without discovering who i really am. i might look intimidating, a typical shop girl, and i act like a crazy party girl on the weekend. but i actually have brains. and i own an even bigger heart. the truth is, beyond the louis vuitton bags, beyond the lavish parties, the excessive passion to travel and the desire to get to know the world, if you got to know the REAL ME, i am really just a simple girl. my only desire is to be loved for who i am.

"









REACH ME if you want to get to know me better, if you want to share your thoughts, if you want to be my friend, don't hesitate: you can find me at


::EMAIL ME @ AOL::
:: EMAIL ME @ GMAIL
::FACEBOOK::
::AOL IM: XLENDCX::
::yahoo: YM::
::MYSPACE::
PREVIOUS POSTS
Life update
Morning and Mourning Weeps
6 years.
2017 updates
I'm getting married!
ENGAGED!
3 years
To That Person I Fell In Love With When the Timing...
Beginnings
Reflection: $100 PER HOUR


DAILY DOSE OF ME my other blogs: in case, you're not tired of me yet =)


::GOOD THINGS::
life is all about appreciating the simple things

::YACKETY YACKS::
pinay chatter box: much ado about nothing =)

CONTRIBUTIONS articles and works i've done for other e-zines through the years




binibini.org: KEYCHAIN
binibini.org: FAREWELL
binibini.org: SA GITNA NG GABI

HABITUATE fellow bloggers who keeps me entertained and sane




::ernie::
::joyce::
::eric ahn::
::pammy::
::champuru::
::maldito/glenn::
::mica::
::tintin::
::batjay::
::rijah::
::carol::
::christine::

ADDICTION these are a few of my favorite things...




::louis vuitton::
::ugg australia::
::armani exchange::
::h & m::
::banana republic::
::target::
PAMPER ME in this stressful world, i need relaxation. places i hibernate to and hide away from the world. here are some of my favorite spots.




::olympic spa::
::pho siam thai spa::
:: raya spa::
::japanese garden::
::redondo beach::

FREQUENTS embracing life in los angeles: a day in a life in my shoes



::monte carlo cafe::
::THE GROVE::
::coffee bean::
::barnes and noble::
::starbucks::

GOBBLE GOBBLE [L.A.STYLE] food over matter los angeles style =)




::todai::
::sanamluang::
::hodori::
::alcove::
::portos::
::mayflower::
::tommy's::
::roscoe's::
::philippes::
::thai bbq::
::the pantry::
::pinks::
::koji's::
::kabuki::

QUERRIES i don't know everything. so these are the sites i go to answer my inquisitive inquiries, obtain html coldes, and upload my pictures.




::google::
::yahoo::
::ask::
::photobucket::
::blogger::

ARCHIVES
03/01/2001 - 04/01/2001
04/01/2001 - 05/01/2001
05/01/2001 - 06/01/2001
06/01/2001 - 07/01/2001
07/01/2001 - 08/01/2001
08/01/2001 - 09/01/2001
09/01/2001 - 10/01/2001
10/01/2001 - 11/01/2001
11/01/2001 - 12/01/2001
12/01/2001 - 01/01/2002
01/01/2002 - 02/01/2002
02/01/2002 - 03/01/2002
03/01/2002 - 04/01/2002
04/01/2002 - 05/01/2002
05/01/2002 - 06/01/2002
06/01/2002 - 07/01/2002
07/01/2002 - 08/01/2002
08/01/2002 - 09/01/2002
09/01/2002 - 10/01/2002
10/01/2002 - 11/01/2002
11/01/2002 - 12/01/2002
12/01/2002 - 01/01/2003
01/01/2003 - 02/01/2003
02/01/2003 - 03/01/2003
03/01/2003 - 04/01/2003
04/01/2003 - 05/01/2003
05/01/2003 - 06/01/2003
06/01/2003 - 07/01/2003
08/01/2003 - 09/01/2003
10/01/2003 - 11/01/2003
11/01/2003 - 12/01/2003
03/01/2004 - 04/01/2004
04/01/2004 - 05/01/2004
05/01/2004 - 06/01/2004
06/01/2004 - 07/01/2004
08/01/2004 - 09/01/2004
10/01/2004 - 11/01/2004
11/01/2004 - 12/01/2004
12/01/2004 - 01/01/2005
02/01/2005 - 03/01/2005
03/01/2005 - 04/01/2005
06/01/2005 - 07/01/2005
07/01/2005 - 08/01/2005
08/01/2005 - 09/01/2005
10/01/2005 - 11/01/2005
11/01/2005 - 12/01/2005
12/01/2005 - 01/01/2006
01/01/2006 - 02/01/2006
02/01/2006 - 03/01/2006
03/01/2006 - 04/01/2006
04/01/2006 - 05/01/2006
05/01/2006 - 06/01/2006
06/01/2006 - 07/01/2006
07/01/2006 - 08/01/2006
08/01/2006 - 09/01/2006
09/01/2006 - 10/01/2006
10/01/2006 - 11/01/2006
11/01/2006 - 12/01/2006
12/01/2006 - 01/01/2007
01/01/2007 - 02/01/2007
02/01/2007 - 03/01/2007
03/01/2007 - 04/01/2007
04/01/2007 - 05/01/2007
05/01/2007 - 06/01/2007
06/01/2007 - 07/01/2007
07/01/2007 - 08/01/2007
08/01/2007 - 09/01/2007
09/01/2007 - 10/01/2007
10/01/2007 - 11/01/2007
11/01/2007 - 12/01/2007
12/01/2007 - 01/01/2008
02/01/2008 - 03/01/2008
03/01/2008 - 04/01/2008
05/01/2008 - 06/01/2008
07/01/2008 - 08/01/2008
09/01/2008 - 10/01/2008
10/01/2008 - 11/01/2008
11/01/2008 - 12/01/2008
01/01/2009 - 02/01/2009
02/01/2009 - 03/01/2009
03/01/2009 - 04/01/2009
05/01/2009 - 06/01/2009
06/01/2009 - 07/01/2009
01/01/2011 - 02/01/2011
04/01/2011 - 05/01/2011
05/01/2011 - 06/01/2011
06/01/2011 - 07/01/2011
07/01/2011 - 08/01/2011
08/01/2011 - 09/01/2011
09/01/2011 - 10/01/2011
10/01/2011 - 11/01/2011
03/01/2012 - 04/01/2012
05/01/2012 - 06/01/2012
06/01/2012 - 07/01/2012
08/01/2012 - 09/01/2012
10/01/2012 - 11/01/2012
11/01/2012 - 12/01/2012
12/01/2012 - 01/01/2013
01/01/2013 - 02/01/2013
05/01/2013 - 06/01/2013
06/01/2013 - 07/01/2013
08/01/2013 - 09/01/2013
09/01/2013 - 10/01/2013
10/01/2013 - 11/01/2013
11/01/2013 - 12/01/2013
12/01/2013 - 01/01/2014
01/01/2014 - 02/01/2014
02/01/2014 - 03/01/2014
05/01/2014 - 06/01/2014
06/01/2014 - 07/01/2014
11/01/2014 - 12/01/2014
02/01/2017 - 03/01/2017
05/01/2017 - 06/01/2017
06/01/2017 - 07/01/2017
09/01/2024 - 10/01/2024