hindi na muna siguro
ako iibig.
kasi,
sa tuwing iibig ako,
parang nalalanta ang mga orchids sa hardin,
parang umiitim ang bughawing langit ng tanghali,
at napupunit ang mga pahina ng paborito
kong libro.
darating na lang siguro,
ang bagyo na magpapalaya sa akin
sa rehas ng pagiisa.
siguro nga mayroong bukas,
na tutunog
muli ang musika ng pag-ibig,
at sasalubungin ko ang agos
ng liwanag
ng pagpapatawad.
pero sa ngayon, di na muna...
di na muna ako
ako iibig.
Labels: brokenheartedness, tagalog
0 Comments:
Post a Comment
<< Home