sabi ng nanay mo
[by the way, kaya ako nagkakandahirap na nagtatagalog dito kasi i think, may nagbabasa ng mga istorya kong ito. hindi ko alam kung alam ninyo pero itong mga sinusulat ko rito ay dikta ng aking puso at damdamin. ito'y nabuo sa maraming beses kong gustong magsalita subali't sa pag-aakalang baka may masaktan ako, hindi ko nasabi sa mga partikular na mga taong minahal ko ang mga katha ko rito.
subalit ilang taon na ang nakakaraan, naibigay ko yata ang web blog na ito sa isang minahal ko sabuhay. ngayon ay bumabalik na naman siya at may puna akong baka binabasa niya iton. at kung sino man yung taong yun, baka maintindihan niya ito kapag nag-ingles ako. so para wala siyang maintindihan, itatagalog ko na lang. saka na ako mag-iingles.]
di mo alam ito. pero tumawag sa aking ang nanay mo kanina. hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. mas madali nga yatang ibaba na lang yuing telepono kesa kausapin ko siya. ipinagbilin ko sa kanya na huwag niyang ipag-alaman sa iyo na tinawagan niya ako.
sa tutoo lang, masayang masaya akong makausap nanay mo. pero mas masasayahan pa siguro ako kapag ikaw ang kausap ko. ikaw lang naman talaga ang nagpapasaya sa akin. pero ewan ko sa iyo. hindi talaga kita maintindihan. kapag wala ako sa harap mo, tawag ka ng tawag sa akin. palagi mong sinasabi na lugod mo akong gustong makasama.tapos ngayon namang, nandito na tayo, sala sa init, sala sa lamig ka na naman.
sabi ng nanay mo, tahimik naman daw ang mga araw mo. sabi pa nga niya, tinutulungan mo siya sa pag-aruga sa lola mong may sakit. madalas nga raw ay kasama mo ang tiyo mo at mga pinsan mo. tapos, nagsisimba ka pa raw. habang nagkukwento siya, iniisip kita.
sabi ng nanay mo, pinagsasabihan ka raw niya. na kung maari eh, magtino ka na sa buhay mo. na magiging masaya siya kung makita niyang lumagay ka na sa tahimik, kung may babae kang mapapangasawa na mag-aalaga sa iyo. pakiramdam ko nga, ako yung pinariringan niyang babae. ako lang naman yata ang babaeing nagpaaptino sa iyo e.
gusto kong sabihin sa nanay mo, pagsabihan ka niya. dahil ako, malapit na akong magsawa sa mga pinaggagawa mo sa akin. paiinlabin mo ako tapos nanlalamig ka sa akin. niyayakap mo ako ng mahigpit tapos hindi mo man lang ako matawagan. pahawak hawak ka pa sa mga kamay ko, tapos hindi mo rin pala hahawakan ang mga kamay ko ng madalas.
sabi ng nanay mo, kinukwentuhan mo raw siya at madalas niyo raw akong pag-usapan. bakit palagi mo siyang kinukwentuhan sa mga pangyayari sa buhay ko eh hindi mo naman ako kausap?
sabi ng nanay mo, minsan sinabi mo raw sa kanya na ako ang babaeng pakakasalan mo dahil katulad na katulad ko raw siya..
sabi mo raw sa kanya, mabait ako at mapag-alagang paris niya.
nasabi mo rin daw na baka operahan na naman ang paa ko..
buti pa siya, sinasabihan mo ng nararamdaman mo para sa akin. mahirap bang sabihin sa akin? kapag nandoon na ako sa harap mo, wala kang masabi subalit ang higpit naman ng yakap mo.
litong lito na ako. ayoko na kausapin na nanay mo. nagdurugo lang ang mga sugat lalo. sana naman ay kausapin mo ako. at sana, habang nakatitig sa aking mga mata ay masabi mo sa akin ang tunay na nararamdaman mo.
hihintayin pa ba kita? nahihirapan na rin ako.
Labels: brokenheartedness, tagalog
0 Comments:
Post a Comment
<< Home