HUWAG KA NG IIYAK
nag-usap kami ni sini nung isang gabi halos madaling araw na yata kami natapos. kalungkot niyang kausap. naawa ako dahil minsan, ako rin minsan ganon kalungkot dahil kakaisip sa mga walang kwentang lalaking pinaglaruan lang puso namin.
hindi niya alam ito, pero habang umiiyak siya sa kabilang linya, nakiki-iyak din ako sa kanya. tahimik lang nga alng akong lumuluha. tapos wala rin akong luha. basta, nandon iyung pait.
nung lunes naman, lasing na lasing pinsan ko pagkatapos namin magvideoke dito sa bahay, alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin siya dalawin ng antok. hindi nga umiinom itong cousin kong ito eh. nagulat nga ako bakit siya naglalaklak sa alak. tapos, smirnoff pa na halos purokg alkohol.
patulog na kami, kinikwentuhan pa niya ako. bakit daw isang amo lang nung lalaki sa kanya, sinusungaban niya? kahit na nung nakaraan eh nasaktan na siya nito? tahimik lang akong nakikinig. nung medyo tumahimik siya, sinasabihan ko na siya na huwag niyang pahirapan sarili niya. kung ayaw sa kanya, eh di ayaw. basta, mahalin niya ng sarili niya.
ako rin nasosorpresa kung bakit ako ganito kamanhid. siguro, hindi naman ako manhid. sa tutoo lang, marami akong nararamdaman. pero pinili ko lang kung ano yung mga pakiramdam ko na papatulan ko. kung makakasakit lang sa akin, pinababayaan ko na lang.
nung sinasabi ni sini na nasasaktan siya nung nakita niya yung litrato ng ex niya, na parang naaalala niya lahat, nasasaktan ang damdamin ko para sa kanya. pero naalala ko yung sinabi nung barkada kong lalaki nuong nag-iiyak ako noon dahil sa ginawa ng isang lalakign lubusan kong minahal.
lasing na lasing ako noon. hindi ko nga maalala kung anu anong pinag-iinom ko. pero sabi ni rick sa akin non sa akin,
"alam mo, iyak ka ng iyak diyan. pinupuno mo yang isip mo ng alak para bukas makalimutan mo siya. pero ang tutoo niyan eh, nasa isip mo pa rin siya. nagpapakaloka ka diyan pero ito ha, sasabihin ko sa iyo ng tutoo. wala na siyang pakialam sa iyo. nagpapalasing ka diyan pero ang tutoo niyan, wala siyang ka-amoramor sa iyo. hindi ka niya iniisip ung okay ka lang o ano. hindi ka dapat nagkakaganito. mahalin mo ang sarili mo. kapag buo ka na, marami ang magmamahal sa iyo."
sinabi ko rin yan kay sini. masakit marinig kaya lang iyong mga salitang binigkas na iyo sa akin nung gabing yun ang gumising sa akin. kaya siguro nagmamatigas ako. kaya siguro para akong manhid. walang nararamdaman. kaya sa haba ng panahon, patuloy ko pa rin hinahanap ang taong magpapatibok uli ng puso ko. at sana...sana lang, sa panahon na iyon ay, siya na ang tama para sa puso kong ito matagal ng naghihintay mahalin.
Labels: family, friendship, tagalog
0 Comments:
Post a Comment
<< Home