mahapdi ang tinik sa aking dibdib
sa bawat pagdiin ng mga palad ko
sa pagbura sa bakas sa aking mga bisig
mga bahid ng sakit sa paglalakbay
sa madawag na daan, landas sa kabundukan
ng mapagbirong larangan ng pag-ibig.
habang lumalabo ang tinahak na landas
palayo nang palayo sa aking pag-usad
pilit tinatalikuran ang higanteng lumipas
nililinis mga tinik, mantsang di kumupas;
ngunit malalim ang anyong bumakas,
binabalikan ng diwa, binubura ng isip.
maliksi, aninong nakihalubilo, nakisabay ako
sa kanyang mga hakbang, pagsayaw sa mundo,
hanggang ako'y mawala sa sarili at ritmo,
ng hindi mawawaang balat
kayo ng anino,
malabo ang galaw ngunit binigyan ko ng wisyo
gawagawa kong larawan, ang minimithi ko.
nakakapagod ng maghintay, alam ko ang huling
unit anyong makiakbay, hanggang sa dulo..
hanggang luhaan, mabilis, dumalang, ang pagdaloy ng luha sa bisig,
tinig ko na paos,
bulong ay humina, di matawag ang sinisinta,
di masambit, kahit na nakatarak sa abang dibdib.
bakit di mo dininig tunay na pananalita ng puso?
bakit ngayong ayoko ng marinig ang tinig mo,
ika'y pilit na bumubalik?
sa tahimik ko ng mundong akala ko'i iniwan mo na?
ngunit bakit kabaligtaran,
parang walang pag-asa nating magkasama?
bakit pinalaki ang bubot na nating kasaysayan?
bakit ngayon lang kung kelan ako ay lumalarga nang mag-isa?
salawahan ka...
pinabayaan mo lang ang ating pag-ibig.
babalik ka, lilitaw ka, tapos lalayo ka ka rin pala?
pagmamahal pa ba ang turing mo doon?
mapagbiro pala talaga ang ating tadhana.
damdamin ko nga'y napariwara na sa iba.
mapaglaro kasi ang ating puso...
ang pagmamahal pa ba'y meron pa bang hihinatnan?
ang pagmamahal pa ba'y meron pa bang hihinatnan?
at ang ating puso...
hindi alam kung saan pupunta.
kung saan dadamay.
pero sa tutoo lang, ako'y pagod na, mahal ko.
pero sa tutoo lang, ako'y pagod na, mahal ko.
ang puso kong ito'y takot na sa mga panata mo.
Labels: brokenheartedness, tagalog
0 Comments:
Post a Comment
<< Home