KAMI LAMANG
lumubog na ang araw and palubog na rin ang buwan, ngunit ang mga mata'y pilit pa ring gising. hindi man lang madalaw ng antok. buntong hininga bawat minuto.
marami akong iniisip. marami ring gustong ipahiwatig. maraming gustong alalahanin. maraming salitang tinatamasang bigkasin.
damdamin at puso ko'y sumisigaw. subali't ako lang ang tanging nakaririnig. lenguaheng ako lamang ang nakakaintindi. kaya nakatago at tinatago na lamang.
sapagka't maraming matang nagmamasid. mga taong pilit inuungkat ang istorya. ang akala'y alam ang naramramdaman ng nagsusulat. akala ay may karapatang makialam.
subali't ang katotohanan ay ito'y istorya ng aking buhay. ke masaya o malungkot, ang bawat titik at salita ay pintig ng aking tutoong nararamdaman. kung ano man ang aking isulat, sinusundan ko lamang ang sabi ng aking isip at kabig ng puso.
walang sinumang makakaramdam ng malalakas na kabog na yon kundi ako lamang. gayun pama'y wala rin sinumang dapat makialam sa aking totoong opinion sa mga bagay ako lamang ang nakakaintindi. wala ring sinumang may karapatang humusga sa akin.
ako lang at ang May Poong May Kapal lamang...
kaming dalawa lang...
kami lamang...
kami lamang
Sunday, March 18, 2007
0 Comments:
Post a Comment
<< Home