i was thinking of something to wrtie about my father for father's day in tagalog also in memoriam of philippines'109th indepenence day. my papa is wonderful and my mom has been equally magnificent. and i ended up tearing while trying to compose something. fortunately, i read this article from a filipino spiritual digest and along with it came this touching musing. i'd like to share it with you. i attempted to write a tribute for my father, but i figured, my parents both deserved to recognize. read on...and hopefully, we can start a new to build our relationships with our parents.
sulat ni TATAY at NANAY sa atin
Sa aking pagtanda,
unawain mo sana ako
at pagpasensiyahan...
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan,
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako
sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko
at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!";
paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako
kung ako man ay nagiging makulit
at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan
o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo,
paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng
kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,
magkwentohan naman tayo,
kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay,
maghapong nag-iisa.
Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na
sabik na sabik na akong makakwentohan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan
at intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali
na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung
ako man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan
sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay
at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
-- Rev. Fr. Ariel Robles
sulat ni taty at nanay sa atin
Friday, June 22, 2007
0 Comments:
Post a Comment
<< Home