SANA
sabi nila, kailangan raw ng sangkaterbang tatag para magmahal. kailangan raw may dalang malakas na tapang ang pusong ipinaglalaban ang pagbabakasakaling masugatan ito. dito mo raw malalaman ang tunay na ligaya ng magmahal. ang magmahal na yata ang pinakamahirap at pinakamasarap gawin sa mundo. subalit hanggang ngayon, wala paring diksiyonaro ang nakakapagpaliwanag ng tunay na ibig sabihin and pakiramdam ng magmahal.
ang hirap palang umibig. maraming pagdaraanan na karayom para lang sa mahal mo. akala ko noon, walang mahirap don kasi kakayanin ko ang lahat kahit gaano kahirap kung para sa kagaya mo rin lang na akala ko mahal ako. akala ko gagawin mo ring ang lahat dahil mahal mo ako. nagkamali yata ako.
masakit pala ag umibig. palagi ka na lang umaasa tapos wala rin palang papupuntahan. naghihintay ka sa pangarap na mahalin ka rin niya ng tunay dahil iyon naman ang kusa niyang ipinakikita niya sa iyo. ngunit naghihintay ka naman pala sa wala. ganun ba talaga yun? kung hindi ka nasasaktan, hindo mo rin nalalamang nagmamahal ka na pala?
kailangan ba ang masaktan? ang lumuha? ang di ka bisitahin nga antok sa gabi dahil iniisip mo siya ng labis? di ba dapat ang mahalaga ay marunong kang magmahal ng tapat at di ka takot masaktan? sapagka't ang buong hangarin raw magmahal ay may katapat na tunay na pagmamahal. at darating ito sa tamang oras.
kelan ang tamang oras para sa ating dalawa? hindi ko naman sinasadyang mahalin ka. nangyari na lang bigla at walang rason. parang may humila na lang sa puso ko papunta sa iyo. pero itinago ko ito dahil akala ko mahal lang kita dahil matalik kitang kaibigan. ngunit sa pagpanaw ng araw, nakaramdam na lang ako ng ibang pagtingin sa iyo ng higit pa sa kaibigan.
lihim kitang minahal dahil takot akong mawala ka sa akin. at nuong dumating ang pagkakataong ipinagtapat ko sa iyo ang pinakasekretong pagtingin sa iyo, bigla ka lang hindi namansin at hindi nagparamdam. pero hinintay kita. maraming oras ang pinalampas kong iniisip ka at mangarap na mahalin ko rin ako ngayong alam mo na. subali't hanggang ngayon ay wala ka pa ring ginagawa.
sinabi ko naman sa sarili ko noon na hindi tamang mahalin kita dahil kaibigan kita pero tao lang ako. pero pinilit ko ang sarili kong huwag ipaalam sa iyo at itago ang tahat. at ngayon, pinipilit kong limutin ka. masakit para sakin. mahirap gawin. anong gagawin ko? tumakbo? magtago? saan? maliit lang ang mundo ko. mukhang umiikot lang yata sa iyo.
ngayon, tinitiis ko ang hapdi ng umiiyak na puso. siguro nga lasing na ako sa lihim na pag-ibig ko sa iyo. di ba sabi ng iba, para raw maalis ang lasing, kailangan uminom ka ulit ng alkohol para mawala? ganon rin siguro ang pag-ibig. para maalis ang pait at sakin ng masaktan ka at mabiyak ang puso't damdamim mo, kailangan mo muling magmahal. ipinagdarasal ko na lang na sana dunating na ang pagkakataong yun. sana...sana.
sana
Wednesday, May 17, 2006
0 Comments:
Post a Comment
<< Home