YAKAP
sa bawat pikit ng aking mata, wala akong ginustong makamit kundi nasa tabi sana kita. subalit kung nasa harap kita o kaya'y nasa tabi lang kita, hindi ko masabi ang aking nararamdaman para sa iyo. maraming pagkakataon na akong tumitig sa mga mata mo. at bawat sandali ay nakikita ang panakaw mo ring titig sa akin. ngunit hindi ko maintindihan bakit hindi na lang natin masabi ng diretso sa ating sarili ang tunay na tibok sa ating mga puso?
hanggang titig na lang ba? paano na ang mga maraming sandaling magkasama tayo? ang mga iunuumaga kitang kinukulit para lumabas at kumain, ang mga maraming inubos na gabi hanggang umaga na ginugol natin sa pagtawa't pag-iyak at pag-uusap. ilan na bang pelikula ang napanood nating magkasama? ilan araw na ba ang inilipas natin na magkahawak kamay habang naglalakad sa dagat at mga mall?
dalawang linggo na ang nakakaraan noong kumain tayo ng alas dos ng umaga sa chinatown at nakita tayo ng mga katrabaho ko sa ospital. sangkatebang biro, pag-aasar at mala usiserong tanong ang ibinigay nila sa iyo. ako'y nahihiya sa iyo dahil nakita ko ang pag-aalinlangan. siguro doon nuong gabing yon naramdaman mo ang tunay kong mararamdam sa iyo at ang sikretong pagmamahal na matagal ko ring tinago sa iyo.
noong madaling umagang yon sa harap ng bahay namin bago ako magpaalam sa iyo at magpasalamat sa masaya at di makakalumiutang gabi, niyakap mo ako ng mahigpit. maraming beses mo na ako niyakap. pero sa sandaling ito, dama ko ang init ng iyong mahigpit na yakap at ako'y matagal na nakasandal sa iyo. walang ibang katumbas ang tamis ng iyong yakap. wala nang ikagaganda ang madaling umagang yon. ang aking tanging dasal gabi-gabi ay sana nasa piling ako ng malalakas mong braso.
dalawang linggo na ang lumipas. hindi ka man lang tumawag. matagal na akong naghihintay sa iyo. wala akong labas ng loob na tumawag sa iyo. gusto ko lang malaman kung bakit hindi ka na tumatawag. natiyope ka na naman ba? nag-alinlngan ka ba sa akin dahil sa mga pang-aasar ng aking mga katrabaho? o may bago ng nagpapatibok sa puso mo? hindi ko na siguro malalaman. hihintayin na lang kitang tumawag. iyon ay kung tatawag ka pa.
malungkot ang araw ko kapag wala ang iyong alaala.namimiss ko nang manood ng nakakatakot na pelikula na kasama kita dahil pinagtatawanan mo ako dahil palagong nakatakip ang mata ko habang nanuod. namimiss ko ng naririnig ang malakas at nakakahawa mong halakhak. namimiss kong hawakan ang kamay mo. namimimiss ko na ang pagkain natin sa labas ng madaling araw o pagdala mo sa akin ng merienda kung kinukulit kitang dalhan mo ako ng boba o pastrami sandwich. namimiss ko na ang malamig mong boses sa telepono o ang mga matamis mong text sa cell phone ko. pero higit sa lahat...namimiss ko na ang mahigpit at matamis mong yakap.
sana tawagan mo na ko. miss na miss na kita. nakakaloka!
yakap
Sunday, May 07, 2006
0 Comments:
Post a Comment
<< Home