sipiritual reveries (tagalog entry) : I MISS YOU
busy ka?naku mukha nga...tagal na nating di nagkikita ah... tagal mo na akong di dinadalaw... alam mo miss na kita... o, sino yang nagtext sa iyo?... buti pa sa kanya nakapag-reply ka agad.
napansin ko na ang dami mong ginagawa talaga... ang dami mo ring things-to-do diyan sa schedule mo at planner mo ah! mapangarap ka talaga noh?... ang dami mong plano...nakakatuwa naman na malaman yan.
kasama ba ako sa plano mo? ano? naku di ka agad makasagot? sige okay lang alam ko naman kung ano talaga sagot mo... nakita kita nung Friday, aga natapos ng klase/work mo. alam mo ba, ang akala ko pupuntahan mo ako. ooppss! hindi pala! gigimik pala kayo ng mga friends mo.
late ka ng nakauwi ah? alam mo, naghintay ako sa'yo. pagpasok mo sa kuwarto mo, di mo ako napansin... haaay! kawawa ka naman... siguradong kinabukasan masakit ang ulo mo at tanghali ka nagigising. tapos ang dami mo na naman lakad: trabaho, eskuela, gimik, ano ba talaga?
eh ano pala, naghihintay ako na tayo naman ang maging magkasama. kaya lang sa dami ng schedules mo para sa acads at sa labas ng school parang malabo talaga o baka naman subsob ka na naman sa trabaho mo? o niyaya ka na naman ng barkada mo....
o sige na, balik ka na sa pag-aaral mo. or baka kailangan mo nang bumalik sa trabaho mo at baka mapagalitan ka pa ng boss mo. may ginagawa ka pa yatang research. marami ka pa naman yatang aasikasuhin.
may tumatawag pa sai yo sa cellphone mo, tapos may itetext ka pang friend mo. at oo nga pala, magche-check ka pang iba mong mails: snail mail at emails. tapos baka magchat ka pa. tapos baka magkaayayahan pang lumabas. alam mo na, shopping or sine, or kain sa labas.
pasensiya na ha. sorry ha. naabala yata kita. i might be eating too much of your time. maging dahilan pa ako para masira ang plano mo sa araw na ito.
gusto ko lang pa lang sabihin sa'yo na nandito lang ako kapag kailangan mo ako. alam mo na, kapag hindi ka na busy. hindi nga pwera biro! totoo yon! walang biro!
ay, ayaw mong maniwala? ganon kita kamahal kasi! ayaw mo pa ring maniwala?
basta, ano na lang, ito na lang friend, remember this, kahit singit lang ako lagi sa buhay mo, kahit biglaan mo lang na natatawag ako dahil nagulat ka, nasaktan ka, may drama ka sa buhay mo, nauntog ka o dahil part ang pangalan ko nung binabasa mo sa text, YOU will be in my heart always.
basta nga...trials after trials isipin mo kasama mo ako na lumalakad, hindi man sa buhangin, kasama mo pa rin ako as in sa lahat plano mo, kahit hindi mo ako kasama i would like you to know that i am the one perfecting it... para mas maging masaya ka... minsan tayo naman ang mag-usap ha? minsan ako naman ang dalawin mo... miss na talaga kita eh... sige hintay ako, ha? "Sa akin hindi ka singit lang..."
-- JESUS
spiritual reveries (tagalog entry): I MISS YOU
Monday, February 26, 2007
0 Comments:
Post a Comment
<< Home