pinilit kong magsulat ng aking tunay na nararamdaman.
isa-isa inaalala ko ang ating natirang magandang ala-ala.
gustong kong simulan ang pagsulat ng titik at salita...
ngunit mahirap magsulat kung ang puso'y pilit pa ring naghihilom.
walang isang salita ang akop sa tunay kong nararamdaman ngayon.
dahil nandoon pa rin ang pait at sakit na natira.
pasisimulan ko na lang ng "kumusta ka na?"
marami pa akong gustong itanong.
marami kang dapat sagutin.
marami akong gustong sabihin.
subalit hindi pa ito ang tamang panahon.
hanggang doon na lang muna.
saka na iyong iba...
saka na...
kapag wala ng pait.
saka na
Monday, November 20, 2006
0 Comments:
Post a Comment
<< Home