note: i wanted to write an article in tagalog to recognized the "buwan ng wika" of the philippines which was august. but due to my hectic schedule lately, i don't even have time to return phonecalls that i forgot all about it. also i have been wanting to write a spiritual reverie but i must have had no inspiration to write about it. anyway, today, i had a glimpse of father jerry orbos' musing. i was quite fascinated with how he livens up my chritian faith and so i decided to adapt his idea. but this is my own version. so here's my attempt. excuse my grammars. read on.
spiritual reveries: PERLAS
may matandang mag-asawa raw na nagdiriwang ng kanilang silver wedding anniversary. ang ikadalawampu't limang anibersayo ng kasal ay isang pangkaraniwang okasyon sa buhay ng taong magasawa dahit ito'y na hindi na gaanong naaabot ng mga ordinaryong mag-asawa sa panahon ngayon. bihira na nga ngayon ang umabot man lang sa sampung taon, eh bente singko pa?
sa pagkakataong ito, may nagtanong mama daw sa mister ng babae,
"mister, anong regalo mo sa asawa ngayong silver anniversary niyo na?"
sagot ng mister, "sa silver anniversary namin, dadalhin ko siya sa africa."
nagulat ang mamang nagtanong, "aba, mahal yun ah. eh kung dadalhin mo si misis sa africa sa silver wedding anniversary niyo eh di, mas lalong matindi ang regalo mo sa golden wedding anniversary niyo? eh anong ireregalo mo sa kanya sa golden wedding niyo?
dalidali naman at natutuwang sumagot ang mister ni misis, " ah yun ba? sa golden wedding namin o sa ikalimam pu't anibersayo namin, ang regalo ko kay misis, eh di susunduin ko na siya sa africa."
nakakatuwa nga naman subali't ang leksiyon dito ay walang iwanan.
nabigyang pansin mo ba ang isang perlas? ang halos malaperpektong bilog na hubog nito ay kapansin pansin. ang malakristal na kinang nito ay kinagigiliwan ng marami. iba't ibang kulay nito ay natatagpuan sa mga iba't ibang kabibi at tunay nga namang kaakit-akit sa mata.
subali't alam niyo ba kung paano nabubuo ang alindog ng ating naggagandahang perlas? nag-uumpisa ito sa isang maliit na laman na nakalakip sa gitna ng pantaas and pambabang bunganga ng talaba. inililiblib ito sa dagat at pagkatapos ng paglipas ng panahon, ito'y lumalaki at humuhulma sa iba't ibang hubog at kulay depende sa haba ng panahon at sa kalagayan ng dagat.
subali't hindi maaring mabuo ang isang mutya o perlas kung wala ang pantaas at pambaba ng talabe o kabibe. kinakailang ay may pantaas at pambabang itong masisilungan para ito'y lumago at lumaki at gumanda. kailangan ay kumpleto ang taas at baba ng kabibe o ng talaba nitong pinaglalagyan.nahahalintulad sa kuwento ko nung nauna: kalinagan kumpleto...walang iwanan.
sa pagmamahalan ng dalawang tao, mahalaga na sila'y magkasama at nagkakaintihan sa mga desisyon nila sa mga relasyon nila at sa buhay. sa nga pagsubok at paggalak, kailangan sabay silang lumalaban at nagdiriwang. sa mga laban ng buhay, dapat sabay at kumpleto silang sumusulong. basta kahit ano pa, walang iwanan.
ang panginoon nating maykapal ay ganito rin. tayo ang laman na nagiging mutyang perlas nakakapit sa kanyang pantaas at pambabang kaibe. kumpleto niya tayong inalagaan na nakalakip sa bunganga ng kanyang talabe.siya ang protektor natin sa mga pagkakataong tayo ay namumuo sa loob nito. hinulma, hinubog at mas lalong pinatatag ng kalagayan at panahon ng buhay katulad ng paghulma niya sa kaakitakit na perlas.
at kahit na tayo'y lumaking naggagandahang perlas, sa mga mata ng Diyos, siya pa rin ang lumikha sa atin. tayo ang kanyang perlas at sa kanya pa rin nanggaling ang ating sinag at kinang ke ano mang hubog o kulay tayo. para sa panginoon natin, tayo ay nanggaling sa kanyang kabibe at tayo'y mahalaga. higit sa lahat, siya's mananatiling nandiyan.
at ang kanyang natatanging pangako sa kahit anumang agos ng buhay tayo mapunta, WALANG IWANAN.
spiritual reveries: PERLAS
Tuesday, September 05, 2006
0 Comments:
Post a Comment
<< Home