bakit nga ba ganito ang imibig? ang hirap talagang magmahal 'no? ang hirap umasang mahalin ka rin ng tutoo ng taong pinakamamahal mo. pagminamahal mo naman sila ng todo, hindi alam may kahati ka pa pala.
kaya ko pa bang magmahal ng hindi ako natatakot na masaktan muli? maraming beses ko ng ginawa yon sa aking nakaraan subalit puros pait at hinanakit ang katumbas. masaya sa umpisa ngunit bigla rin naglalaho. iyon pala'y may kapalit ka na at may mahal na siyang iba.
kaya ko pa bang magmahal ng lubos? noon, halos wala na akong itinitira sa sarili ko. ngayon, kahit papano, minamahal ko muna ang sarili ko bago ako nagmamahal ng iba. pero kapag nagmahal bo ako ng lubos, katumbas rin ba non ay lubos na pagmamahal na inaasam-asam ko?
kaya ko pa kayang tiisin ang magmahal kahit minsan masakit na ang umibig? may masaya kamang alaala, mas marami pa ring sakripisyo. maraming beses kang pilit na magpaparaya sa kahibang. pilit na magpapatawad sa mga inuulit na kasalanan. pilit na mag-uunawa sa mga bagay na hindi mo pa rin maintindihan. ang gulo ano?
kaya ko pa kayang maghintay sa lalaking nakatakda sa akin? sino nga ba siya? kilala ko na ba siya? kaya ko pa kayang mahalin siya tulad ng walang kondisyong pagmamahal na ibinigay ko sa mga taong hapdi ang ibinigay sa akin noon? noon yon, tanga pa akon noon. kinakapa ko pa ang puso ko. ngayon, mas matatag na kaya akong umibig?
kaya ko pa ba? sabi nila, hangga't may tibok ang puso, may pag-asang umibig. sabi nila pagmahal mo talaga ang isang tao, maging sino man siya, todo pa rin ang umibig. sabi nga nila, bulag na ang pag-ibig dahil lumalangoy ka na lang sa agos. para daw lumilipad ka na sa ere.
tulad ng iba, takot pa rin akong umibig. tulad ng iba, iniisip ko kung kakayanin ko pang magsakripisyo sa pag-ibig. tulad ng iba, nag-aasamasam pa rin akong mahanap ko ang tamang prinsipe na magpapatibok ulit ng puso kong matagal ng di nagmahal ng husto.
ang tanong...kaya ko pa kaya? kaya ko pa kayang hinayin kita? kaya ko pa kayang tiisin ang tago komng pag-ibig sa iyo? kaya ko pa bang pigilin ang malalakas na tibok ng puso kapag nasa tabi kita o kaya's kung nasa harap kita? kaya ko pa bang iwasan ang malalagkit mong titig? kaya ko pa bang pigilan na mahalin kita ng todo?
sana kaya ko pa. dahil sa unang pagkakataon, may isang taong nagpakita ng lubos na pagmamahal ng mas higit sa ipinakita ko at ipinadama ko sa kanya. takot lang ako. duwag lang ako. siguro, tulad mo, torpe din ako.
panginoon...bigyan mo ako ng lakas ng loob kayanin ang lahat ng pagsiubok ng pag-ibig. alam kong meron kang iniakda para lang sa akin. kung sino ang taong yon, ako'y magmamasid at makikiramdam. at sana kapag dumating ang tamang panahon na yon, ay kakayanin ko at sana hindi ko pagsisisihan.
siguro naman....kaya ka ko.
kaya ko pa ba?
Friday, July 07, 2006
0 Comments:
Post a Comment
<< Home